Bakit Pinilit ng mga Kastila na Bigyan ng Legal Na Batayan ang Kanilang Pananakop sa Pilipinas?

Posted: May 2, 2012 in Uncategorized
Tags: , , , , ,

Ipinilit ng mga Kastila na bigyan ng “legal” na batayan ang kanilang pananakop sa Pilipinas upang magmistulang makatarungan ito .

Pinilit nilang palabasin sa kanilang mga naunang kronika o salaysay na hindi sibilisado ang ating mga ninuno. Tayo raw ay walang sariling kultura, walang pagkakaisa at sumasamba pa sa mga demonyo.

Pilit itinanin sa kamalayan ng ating mga ninuno na silang mga Kastila ang umano’y nagbigay ng mas mataas na kabihasnan sa atin, binuwag daw nila ang pang-aalipin at binigyan ng wakas ang pagsamba sa mga demonyo.

Tagapagligtas ang naging tingin nila sa kanilang mga sarili na parang dapat pa nating tanawin na utang na loob ang kanilang ginawang pagwasak at paglapastangan sa ating kultura.

Kung ating susuriing maigi, pagkamkam lang sa ating mga kayamanan ang kanilang tunay na layunin. Napakasaklap ng naging resulta nito,iniwan nila tayong may diwang busabos at halos wala ng sariling pagkakakilanlan bilang isang lahi.

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s