Ang KULTURA ay PRODUKTO ng TEKNOLOHIYA

Posted: May 2, 2012 in Uncategorized
Tags: , ,

Mahalaga ang teknolohiya sa paghubog ng isang buong tao dahil sa pamamagitan nito natutong makibagay ang tao sa kanyang paligid sa paglipas ng panahon.

Ang pagkakaroon ng teknolohiya ng tao ay isang katibayan na tayo ay hindi na maaaring ihambing pa sa ating mga ninunong unggoy at bakulaw dahil sadyang malayo na ang narating ng ating pagpupunyagi na magpakatao – na magkaroon ng mas mataas na antas ng pagkabuhay.

 Mula sa mga payak na kagamitang yari sa bato’t bakal ng ating mga ninuno(Panahong Neolitiko – Pleistocene); tayo ay may kakayahan na ngayong gumawa ng mga kagila-gilalas na mga kagamitan, tulad halimbawa ng kompyuter, bombang atomiko at maging mga sasakyang pangkalawakan (Panahong Digital o Makabagong Panahon).

 Samantala, kasabay ng pagbabago ng ating kagamitan o teknolohiya ay ang pagbabago rin ng ating kultura. Kung dati-rati’y naghihintay pa tayo ng matagal na panahon para matanggap lamang ang isang simpleng liham (snail mail) ngayon ay maari na nating matanggap ito sa isang pindot lamang ng ating mga daliri (e-mail).

 Hindi natin maipagkakaila na ang kultura ng tao ay produkto lamang ng kanyang teknolohiya. Tunay na hindi natin maaaring paghiwalayin ang teknolohiya at kultura kailanman.

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s