Posts Tagged ‘Padre Damaso’

Pnoy at mga mahal naming mambabatas,  huwag ninyong  kalimutan na ang sambayanang Filipino ang boss niyo! Hindi ang mga impokritong naka-abito sa loob ng simbahan na nagmamay-ari ng mga mamahaling unibersidad at paaralan. Sila na nagkukunwaring maka-mahirap ngunit ang totoo ay hindi naman. Sige kung mahal ninyo ang mga mahihirap, bakit hindi ninyo sila tanggapin sa mga paaralang pag-mamay-ari ninyo? Naku napakalabong mangyari nito, dahil ang totoong  gusto niyo ay manatiling mangmang ang mga Filipino upang patuloy niyo kaming malinlang at mapagsamantalahan. Wala kayong pagkakaiba kay Padre Damaso sa Noli Me Tangere! Hindi nakapagtataka na maraming ng umabandona sa bulok na simbahang ito sa Europa, kung saan ito nagmula.

Kailangan ng mga Filipino ang RH Bill!

RH bill, Ipasa na! Ngayon na!