Hindi dapat sirain ang ating likas na yaman para sa sarili nating pangangailangan. Dapat kuhanin lamang ng tao kung ano ang kailangan nito mula sa kalikasan. Huwag dapat labis-labis, na para bang ayaw nating tumigil hangga’t may natitra pa tayong pwedeng kuhanin.

Tignan natin ang kalagayan ng pagmimina sa ating bansa sa ilalim ng Philippine Mining Act of 1995 (RA 7942). Sa ilalim ng batas na ito, dayuhan at mga pribadong kompanya lang ang nakinabang sa ating mga yamang mineral. Sa katunayan, hanggang ngayon nanatiling naghihikahos pa rin ang mga komunidad kung saan isinasagawa ang pagmimina. Libo-libong mga katutubo din ang sapilitang pinatalsik sa kanilang mga lupain (ancestral land). Hindi na rin mabilang ang mga nagbuwis ng buhay dahil dito. Patuloy pa rin sa paglago ang bilang ng mga biktima ng paglabag sa karapatang-pantao na may kinalaman sa pagmimina. Bukod dito, nasira din ang kalikasan dahil sa mga mapanganib na kemikal at teknolohiyang ginagamit nila.

Ang mga katotohanangn nabanggit sa itaas at ang mga trahedyang katulad ng nangyari sa Marcopper (1996) at Rapu-rapu (2005) na tuluyang pumatay sa mga ilog at pinagkukunan ng tubig sa mga paligid nito ang mga konkretong dahilan kung bakit kailangan ng ibasura ang RA 7942.
Ano ang dapat ipalit sa RA 7942 kung gayon? Ang dapat ipalit sa batas na ito ay ang HB 4315 o People’s Mining Bill na isinulat ng grupo ni Bayan Muna Rep. Teodoro A. Casino. Sa panukalang batas na ito tayong mga Filipino at hindi mga dayuhan ang makikinabang sa ating mga yamang-mineral. Bukod dito isinusulong din ng HB 4315 na gamitin ang mga yamng-mineral na ito upang paunlarin ang mga lokal na industriya, hindi katulad ng RA 7942 na nakapokus lamang sa pag-export ng mga yamang mineral bilang raw materials. Isinusulong din ng HB 4315 ang pangangalaga sa kalikasan, sa pamamagitan ng pagbabawal sa pag-gamit ng mga mapanganib na kemikal at teknolohiya. Iginagalang din ng HB 4315 ang karapatan ng mga katutubo at mga komunidad na tumanggi sa pagmimina, lalo na iyong nasasakop ng mga ancestral land. Itinataguyod din ng panukalang batas na ito ang pagmimina o pagkuha ng mga mineral na kailangan lamang ng ating mga lokal na industriya, at ang direktang pagkuha ng mga mangagawa sa mga komunidad na nasa mismong pook ng pagmiminahan upang mapa-unlad din ang kabuhayan ng mga taong nakapaligid dito. Tunay na magiging tapat sa interes ng mga Filipino ang HB 4315, hindi katulad ng kasalukuyang umiiral na RA 7942 na dayuhan ang pinaglilingkuran.

Hindi kalabisang sabihin na ang wastong pagmimina ang pag-asa ng Pilipinas. Tinatayang tayo ay mayroong reserbang 7.1 billion metric tons (BMT) ng mga metal katulad ng ginto at nickel. Samantalang, tinatayang 51 BMT ang reserba nating mga hindi-metal na mineral. Ang mga reserbang mineral na ito ay tinatayang nagkakahalaga ng 840 bilyong dolyar o 1 trilyong dolyar. Ang halagang ito ay labis pa upang mabayaran natin ang ating mga utang na panlabas.

Comments
  1. Anonymous says:

    Wow thnx nkaka going tlaga

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s