Kilusang Propaganda VS. Katipunan

Posted: June 19, 2013 in Uncategorized
Tags: , , ,

Ang Kilusang Propaganda ay isang samahang itinatag ng mga liberal na Pilipino upang matamo ang pagbabago sa mapayapang pamamaraan. Samantala, ang Katipunan naman ay ay isang lihim  na samahan naitinatag ni Bonifacio upang itaguyod ang kaisipang maka-bayan at rebolusyonaryo  sa mga Pilipino.

                               

Ang pangunahing adhikain ng Kilusang Propaganda ay isulong ang pantay na karapatan ng mga Pilipino at kastila sa pamamagitan ng paghiling ng asimilasyon sa pamahalaang Kastila. Kung susuriin, ang hinihiling lamang ng mga propagandista ay pagbabago at hindi ganap na pagsasarili ng bansa. Sa kabilang banda, ang Katipunan naman ay naglalayong sugpuin ang patuloy na pagmamalabis at di makataong pamumuno ng mga Espanyol sa Pilipinas tungo sa ganap na pagsasarili ng bansa.

                               

Binubuo ang Kilusang Propaganda ng mga ilustrado o mga Pilipinong nakapag-aral sa ibang bansa at Maynila katulad ni Rizal, Jaena at Del Pilar. Lahat sila ay nagmula sa mayayamang pamilya sa Pilipinas. Samantala, ang Katipunan naman ay binubuo ng masa.

                               

Ginamit ng Kilusang Propaganda ang kanilang pluma upang upang maipahayag ang kanilang mga  kahilingan sa pamahalaang Kastila. Nariyang sumulat sila ng mga nobela, magasin, aklat, at iba pang babasahin. Samantala, ginamit naman ng Katipunan ang dahas at madugong rebolusyon  upang makamit ang tunay na kalayaan.

                               

Nabigo ang Kilusang Propaganda na tuparin ang mga pangunahing layunin nito, subalit masasabi nating ang kilusang ito ang nagbigay-inspirasyon sa dalawang kilusang sumunod dito: ang Cuerpo de Compromisarios at Katipunan. Samantala, ang Katipunan ay nag-tagumpay na paalisin ang mga Kastila sa Pilipinas ngunit ito ay naging panandalian lamang dahil sa pagdating ng bagong mananakop — ang mga Amerikano.

Comments
  1. remajoy says:

    awesome! it help me a lot! job well done😉

  2. Maraming salamat Remajoy!

  3. romelaine udarbe says:

    ge, push nyu yan…

  4. christian says:

    ??? do ko gets P_T_ hahahaha joke

  5. thanks for answer😀😀😀

  6. thanks for answer very much😀😀😀

  7. Anonymous says:

    thanks nakatulong sa ass. ko

  8. Anonymous says:

    salamat nakatulong ayon alam ko na

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s