Jose Rizal: Repormista o Rebolusyonaryo?

Posted: June 19, 2013 in Uncategorized
Tags: , , ,

Namatay si Rizal ng hindi nakita ang paglaya ng Pilipinas, ngunit hindi kalabisang sabihing siya ang isa sa nagmulat sa sambayanang Filipino upang makita ang kanyang kalunos-lunos na kalagayan na sa huli’y nagtulak sa kanya na mag-alsa upang makamit ang kalayaan. Nagawa niya ito sa pamamagitan ng pluma. Pluma na nagluwal ng dalawang nobelang Noli at Fili  na nag-alis ng piring sa ating mga mata.  

Sa kabila ng kanyang malaking ambag upang mapag-alab ang damdaming makabansa sa atin, hindi pa rin matapos-tapos ang debate tungkol sa tunay na tindig ni Rizal hanggang ngayon. Siya nga ba ay isang repormista o isang rebolusyonaryo? O baka naman kapwa repormista at rebolusyonaryo siya?

 

Sa mababaw ng pagtingin, maari nating sabihin na si Rizal ay repormista dahil naging bahagi siya ng Kilusang Propaganda. Isang kilusan na naglalayong ma-asimila ang Pilipinas sa Espanya.  Malinaw din niyang tinutulan ang pagsisimula ng madugong rebolusyon.

 

Ngunit sa mas malalim na pagtingin, masasabi nating tinaggihan lamang niya ang rebolusyon dahil sa paniniwalang di pa lubusang ´hinog ang samahan’ at  masyado pang bata ito at marami pang kailangang iwasto dito. Tinanggihan niya ito dahil naniniwala siyang hindi pa handa ang Pilipinas na mag-sarili at maglunsad ng rebolusyon noong panahong iyon.  Kung tutuusin, masasabing tama si Rizal dahil sa napakaraming krisis na kinaharap ng Katipunan noong nagsisimula pa lamang ito na humantong pa nga sa pagpatay kay Bonifacio.

 

Ngayon, repormista o rebolusyonaryo nga ba si Rizal? Napakahirap sagutin ng tanong na ito. Basta ang alam ko naging inspirasyon si Rizal ng mga Filipino noong panahon ng rebolusyon at naging daan ang kanyang dalawang nobela upang mas maraming kababayan natin ang sumanib sa Katipunan. Pero kung ako ang tatanungin, siya ay isang ….ABANGAN.

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s