Ang Batas Republika 1425 na mas kilala sa tawag na Batas Rizal ay pinangunahan ng dating pinuno ng Pambansang Kapulungan ng Edukasyon na si Sen. Jose P. Laurel. Bago ito mapagtibay noong Hunyo 12, 1956, dumaan ang batas na ito sa mga umaatikabong debate sa loob ng Senado at Kongreso. Tinawag itong House Bill 5561 sa kongreso na pinangunahan ni Cong. Jacobo Gonzales at tinawag naman itong Senate Bill 438 sa Senado na pinangunahan naman ni Sen. Claro M. Recto. Hindi makakapagtaka na sila ang mga pinunong nagtaguyod sa batas na ito, dahil kung babalikan ang kasaysayan, malinaw na may marubdob na pagmamahal sa bayan ang dalawang ito. Si Gonzales ay nakipaglaban upang mapalaya ang kanyang mga kababayang sakdalista at si Recto naman ay malinaw na ipinaglaban ang soberanya ng Pilipinas labas sa Estados Unidos.

RIZAL: INSPIRASYON NG BAGONG HENERASYON
Ang pangunahing layunin ng mga mga nagtaguyod sa batas na ito ay muling pag-alabin ang diwa ng nasyonalismo sa mga susunod na henerasyon ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagsama sa kurikulum ng lahat ng paaralan, pampubliko man o pribado ang kurso sa pag-aaral ng buhay, mga ginawa at isinulat ni Jose Rizal, partikular na ang kanyang dalawang nobela na Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Naniniwala sila na si Rizal ay maaaring magsilbing inspirasyon sa atin, lalo na sa mga kabataan. Bukod dito, layunin din ng batas na ito na parangalan si Rizal at ang iba pa nating mga bayani sa lahat ng kanilang mga ginawa para sa bayan.

BATAS RIZAL: KAPARIS NG RH BILL
Katulad ng RH Bill, hindi naging madali ang pagpasa ng batas na ito dahil sa malakas na pagtutol ng Simbahang Katoliko. Naniniwala ang simbahan at ang mga mambabatas na pumanig sa kanila na ang dalawang nobela ni Rizal ay naglalaman ng mga pahayag na laban sa simbahan. Ayon sa kanila, ang sinumang makabasa ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay maaaring mawalan ng pananampalataya o sumalungat sa mga itinuturo ng simbahan.Iba’t ibang taktika ang ginamit nila upang takutin ang mga nagtataguyod sa batas na ito. Nariyang magsasara daw ang lahat ng paaaralang pag-aari ng simbahan sa oras na maipatupad ito at hindi daw makakaasa ng suporta mula sa mga katoliko ang mga nagtaguyod nito sa mga susunod na halalan. Ngunit kaparis ng RH Bill, naipatupad ang Batas Rizal sa kabila ng malakas na pagtutol ng simbahan

BATAS RIZAL: SA NAKARAANG 50 TAON
Limang dekada na ang nakalipas mula ng maipatupad ang Batas Rizal. Ngunit nakatulong nga ba ang pag-aaral ng buhay, mga ginawa at isinulat ni Jose Rizal upang makamit ang mga adhikain ng mga nagtaguyod sa batas na ito? Sa mababaw na pagtingin, masasabi nating naging matagumpay ito, dahil sa halos lahat ng plaza sa ating bansa ay may bantayog si Rizal. Kilala siya ng lahat ng mga Pilipino bilang ating pambansang bayani. Madalas din nating gamitin ang mga salitang iniwan niya, katulad ng walang-kamatayang “ang kabataan ang pag-asa ng bayan.”

Ngunit sa mas malalim na pagtasa, masasabi nating naging matagumpay lamang ang batas na ito na gawing pambansang simbolo si Rizal, na halos walang pinagkaiba sa kalabaw at sampaguita. Ngunit sa puso ng maraming Pilipino, diwang busabos pa rin ang naghahari. Sa katunayan wikang banyaga pa nga ang karaniwang gamit natin sa pagkuha ng kursong ito dahil ito ang nakasaad sa batas. Hindi ko nauunawaan ang lohika sa likod nito (para kaya hindi ito lubusang maunawaan ng karaniwan tao?). Nasaan ang nasyonalismo doon?

Advertisements
Mga Puna
  1. Di-Nagpakilala ay nagsabing:

    Ok

  2. Di-Nagpakilala ay nagsabing:

    fine

  3. Di-Nagpakilala ay nagsabing:

    Nga nga galing

  4. Di-Nagpakilala ay nagsabing:

    wala ung mga kumontra or such??

  5. Di-Nagpakilala ay nagsabing:

    Salamat! (:

  6. Di-Nagpakilala ay nagsabing:

    wtf

  7. Di-Nagpakilala ay nagsabing:

    😂

  8. Di-Nagpakilala ay nagsabing:

    Good luck sa mga may exam sa NCBA this monday ^_^

  9. Di-Nagpakilala ay nagsabing:

    Wikang pilipino naman ang gamit pag inaaral to, ngunit inaaral to ng engles dahil may mga ibang estudyante na hindi marunong mag tagalog

  10. Di-Nagpakilala ay nagsabing:

    GALING

  11. Di-Nagpakilala ay nagsabing:

    lupet

  12. Adagio ay nagsabing:

    rak rak

  13. Di-Nagpakilala ay nagsabing:

    majupet

  14. Di-Nagpakilala ay nagsabing:

    ficc you

  15. Di-Nagpakilala ay nagsabing:

    Just Wow

  16. Di-Nagpakilala ay nagsabing:

    tnx

  17. Di-Nagpakilala ay nagsabing:

    edi shing

  18. Di-Nagpakilala ay nagsabing:

    Pogi ko talaga

  19. Di-Nagpakilala ay nagsabing:

    add nio ko sa fb mga fuck you kayo Abdul Jacool Salselanie

  20. Di-Nagpakilala ay nagsabing:

    who knows about rizal issues?

  21. Di-Nagpakilala ay nagsabing:

    asdsadsadsa

  22. Di-Nagpakilala ay nagsabing:

    1

  23. Di-Nagpakilala ay nagsabing:

    nice

  24. test ay nagsabing:

    window.location(“xss –please fix “)

  25. test ay nagsabing:

    fix your xss

  26. Pres. ay nagsabing:

    NAYS ONE

  27. Di-Nagpakilala ay nagsabing:

    fix your xss

  28. Di-Nagpakilala ay nagsabing:

    HAHAHA

  29. Di-Nagpakilala ay nagsabing:

    ‘>test

  30. asd asd ay nagsabing:

    Tanga naman.

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s