Ito ang katanungang pumapailanlang sa aking isipan ngayon. Kakayanin kaya ng UP Open University (UPOU) na makapagpadala ng delegasyon sa pagtitipong ito na dadaluhan ng mga lider-estudyante ng buong UP System? Madali lang ito para sa ibang UP units, ngunit sa aming mga taga-UPOU, ang makapagpadala ng delegasyon  ay maihahalintulad na sa  isang pangarap na hanggang ngayon ay hindi pa rin natutupad.

Napakahirap kumilos dito sa amin, una sa lahat, wala kaming lehitimong konseho ng mga mag-aaral na maari naming lapitan kung kami ay may mga hinaing at siya rin sanang magiging instrumento upang mapagbuklod-buklod ang lumalking bilang ng mga Isko at Iska ng UPOU. Dahil dito walang din kaming boses  pagdating sa mga isyung kinakaharap ng ating pamantasan.

Naniniwala ako na ang pagdalo sa Student Congress na ito ay magiging isang magandang simula para sa UPOU. Marami kaming makikilalang mga lider-estudyante mula sa iba pang UP campuses na maaring makapagpalakas ng aming loob. Tiyak din ako na marami kaming matutuhang mga bagong ideya sa pagtitipong ito.

Malaki ang aking pasasalamat kay Student Regent Cleve Arguelles sa kanyang suporta. Handang   sagutin ng kanyang tanggapan (Office of the Student Regent) ang registration fee ng isa o dalawang delegado mula sa UPOU. Ngunit naniniwala ako na hindi sapat ang dalawang delegado dahil una sa lahat, kami ay nagsisimula pa lamang. Naniniwala ako na mas mainam kung mas maraming delegado ang  magmumula sa UPOU, dahil ang mga delegadong ito, matapos maging mulat sa mga isyung kinakaharap ng bayan at ng ating pamantasan sa pamamagitan ng student congress/pagtitipong ito ang maaring makapagdala ng pagbabago at magsimula ng pagkilos sa buong komunidad ng UPOU.

Humingi ako ng suporta mula kay Senador Kiko Pangilinan, Senador Antonio Trillanes at dating Senador Miguel Zubiri. Sila nag mga senador na may kasalakuyang iskolarship sa UPOU. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin akong tugon na nakukuha mula sa kanila.

Minsan nais ko ng sumuko, lalo’t ang pagtitipong ito ay sa darating na Setyembre 21-23 na, at ito ay sa UP Baguio pa idadaos. Ngunit mas lamang pa rin ang aking pagnanais na makapaglingkod sa bayan at sa UPOU.

PS: Kung kayo ay may kilalang alumni ng UPOU o kahit na sinong na maaaring makatulong sa aming gastusin sa registration fee at transportasyon, huwag mag-atubiling ipaalam sa akin. Maraming salamat!

 

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s