Klase ng Gurong Pinoy

Posted: May 19, 2012 in Commentaries

Alam niyo ba na may iba’t-ibang klase ang mga gurong Pinoy?  Halina’t samahan niyo akong kilalanin sila.

Henry Sy Type: Sila iyong mga guro na walang inisip kundi ang magnegosyo. Tinda dito, tinda doon. Ang masaklap pa nito, pati mga estudyante nila ay ginawa na ring instant saleslady at salesman.  Walang masamang maghanap ng dagdag na kita dahil sa kakarampot na sahod na kanilang natatanggap, ngunit huwag naman sana nilang makalimutan ang kanilang responsibilidad bilang mga guro.

Bilmoko Type: Sila naman iyong mga guro na mahilig magbigay ng espesyal project sa mga estudyante nilang pinag-kaitan ng talino. Para makapasa sa kanya, kung ano-anong luho muna ang ipapabili. Bili mo ko niyan, bili mo ko noon ang palaging linya. Hindi na naawa sa mga magulang ng kanilang mga estudyante na kayod-kalabaw para lang mapag-aral ang kanilang mga anak.  May kilala akong ganyan, ngunit nakakalungkot lang, ngayon isa ng siyang punong-guro. Nakakalungkot, pati pala ang Kagawaran ng Edukasyon ay puno ng mga taong korap. Kaya ano pa ba ang aasahan natin sa mga magiging produkto nito? Edi mga korap din.

X-Rated Type: Naku sila naman ang mga gurong puno ng kaberdehan sa katawan. Bawat leksiyon sa klase hinahaluan ng ibang kahulugan. Hindi nila alintana na nadudumihan na pala nila ang mga inosenteng pag-iisip ng kanilang mga estudyante. Sana maisip nila na pwede namang maging masaya ang klase gamit ang mga “jokes” na hindi berde. Sana lang talaga.

Petix Type: Ito naman iyong mga guro na mahahalintulad natin kay Juan Tamad. Pumasok lang sa klase para matulog sa kanyang lamesa. Kung minsan may tagamasahe pa na isa o dalawa sa kanyang mga alipores. Hindi ka na magugulat na ang amg alipores na ito ang makakakuha ng lahat ng mga “awards”  pagdating ng recognition day. Hay naku! Sayang ang pinapasahod sa inyo ng taumbayan, kahit sabihn nating hindi kalakihan ang kita ng isang guro. Mas maraming karapat-dapat ang maaaring ipalit sa inyo.

Competitive Type: Pasado na sana ang mga gurong ito eh, pero nasobrahan lang ng gahaman sa mga pagkilala. Kaya kapag may kompetisyon dapat lagi silang panalo. Ang laging bukambibig ng mga ito ” Huwag niyo akong ipapahiya. Dapat manalo kayo/tayo”. Kung sa galing magturo wala kang maipipintas sa kanila, pero hanggang doon lang sila, pagdating sa ibang bagay wala ng alam.

 

No IQ Type: Sila naman iyong mga guro na magugulat ka kung talaga bang nakapagtapos ng pagiging guro. Madalas sa hindi, mas matalino pa angm ga estudyante niya sa kanya. Hindi na nakapagtataka na marami sila, dahil sa bansa nating  second-class professional ang tingin sa mga guro, hindi naakit sa propesyong ito ang mga magagaling na estudyante.

 

 Nanay-Tatay Type: Kung ikukumpara sa mga hayop, sila na siguro ang uri ng mga guro ng masasabi nating kabilang na sa mga endangered-specie. Oo, kakaunti na lamang sila pero sila ang mga gurong dapat nating pasalamatan, mga taong dapat hindi natin makalimutan. Sa halso dalawang-dekada kong pamamalagi sa loob ng paaralan, hindi lalagpas sa daliri ng aing mga kamay ang bilang ng mga gurong nakilala ko na kabilang sa uring ito. Ngunit sila ang may pinaka-malaking kontribusyon sa bayan. Hindi sila nahuhli sa klase, maalam sa  kanilang mga  itinuturo at higit sa lahat, sariling mga anak ang tingin nila sa kanilang mga estudyante. Sila iyong mga gurong hindi mauubusan ng pangaral, mga gurong alam mong walang ibang nais kundi ang makita ang kanilang mga  mahal na mag-aaral na matagumpay sa buhay. Sila iyong mga guro na hindi alintana kung maliit ang kita sa pagtuturo, ang mahalaga sa kanila ay ang makapag-lingkod sa bayan.

Nawa’y maging  “Nanay-Tatay Type” na guro ako balang araw.

Ikaw baka may maidadagdag ka pa na uri ng gurong Pinoy sa aking listahan?

Comments
  1. tagal pa ba? hehe, no pressures

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s