Pagod ka na bang maging Pinoy?

Posted: May 18, 2012 in Commentaries
Tags: , , , ,

Pagod ka na bang maging Pinoy?

Ako, hinding-hindi ako mapapagod maging Pinoy. Sana’y makapagtapos na ako para makapagturo na ako sa isang pampublikong paaraalan/unibersidad.

Ikaw, pagod ka na bang maging Pinoy? Pagod ka na bang manirahan sa isang 3rd world country na katulad ng Pilipinas?”

Ito ang pamagat at panimula ng  isang sinulid na aking sinimulan sa nangungunang forum website sa ating bansa, walang iba kundi ang PEX  (www.pinoyexchange.com). Nalulungkot ako sa mga naging tugon ng ating mga kababayan. Ito ang ilan sa kanilang mga naging tugon:

“Pagod nako maging pinoy dahil corrupt ang aking gobyerno, madumi ang hangin sa bayan ko, maralita ang pinoy, walang disiplina ang pinoy, bulok ang serbisyo ng gobyerno ko. Nagbabayad naman ako ng tamang buwis pero ganon pa rin. Nilisan ko ang inang bayan upang mamuhay ng marangal at mapayapa ang mga anak ko. Traydor ako?? G@go!!”

“TS,  kapag nagbayad ka na ng buwis galing sa sarili mong hirap, pagod, pawis, dugo, kahihiyan, etc. at makita mo kung paano lang lustayin ng gobyerno yaong buwis na binayad mo ay saka mo na kami balikan. Malamang sa malamang maiintindihan mo karamihan sa mga sentimyento ng mga tao dito.”

“Nakakapagod talaga manirahan sa pilipinas lalu na kung mahirap ka dun na tulad ko. napakahopeless ng buhay. kayat salamat sa dios at nakaalis na din ako. Nakakapagod ba maging pinoy? i dont think nakakapagod ito. pero maraming NAKAKAINIS sa kultura at ugaling pilipino. Kayat corrupt ang Pilipinas.”

“Traydor ba tayo kung ayaw na natin tumira sa pinas? Traydor ba tayo kung ayaw na natin lumagay sa gulo? May commitment ba tayo sa pinas na “till death do us part”? Are we traitors if we refuse to put up with shenanigans that plague our country? Simpleng trapik rules hindi na natin kayang sundin. Palpak ang gobyerno. Ninakaw ang buwis ko. Basic services hindi maibigay ng maayos. Minsan gusto ko gawin kung ano ang tama pero hindi puwede. Ako pa ang masama. Ako pa ang argabyado. Tiniis ko lahat yan. Mahirap ako at walang kakayanang baguhin ang takbo ng buhay sa pinas. Nagpaalam ako ng maayos sa gobyerno para umalis. May passport ako. Ano gusto niya mag ala North Korea o Cuba ang PInas? Ngayong wala nako sa pinas nakakatulong ako kahit konte sa ibang kamag anak namin. Dati hindi ko magawa yan. “

“Masasabi ko lang kung may maitutulong ka sa bansa ay ok ka. good luck with that! pero maraming mga ordinaryo lang na tulad ko na walang kakayanan to make a change sa terrible conditions ng pilipinas. kahid ka na ng kahid wala pang matuka, diba nakakapagod yun? You live an honest life para lang maapi ng mayayaman, mayayabang at mga mandaraya. diba nakakainis yun?
As long as wala kang dinadaya or sinasaktan there is nothing wrong in looking for greener pastures. hindi traydor ang ganun. “

“Pag hindi ka naglagay sa gov’t employee talo ka. Pag hindi ka umabante sa red light sa gabi pag clear ang daan, galit sayo ang nasa likod mo. Singitan sa trapik. Hindi alam ng mga pinoy drayber o trapik enforcer ang konsepto ng bigayan sa 4-way intersection. Baku bako ang kalsada. Kalat ang basura. Laganap ang krimen. Normal na lang na may mabasa tayong pinapatay araw araw at ginagahasa. Buwis na kinakaltas sa suweldo mo hindi mo alam kung saan napupunta. Mismong walis tingting pagkakakitaan ng mga pulitiko.

“NegrongIsko, ano ba ang gusto mo, manatili kami dito at magtiis? Gusto mo ba mag rally kami araw araw? At kung hindi kami makatiis, traydor na at mababaw kami? Siguro nga mababaw kami. PERO Kung ikaw, kaya mong mamatay alang alang sa bayan mo, papalakpakan ka namin at kung may kakayahan ka para magkaroon ng pagbabago sa bayan, bibigyan ka namin ng karangalan, pero huwag ka mang maliit ng mga taong hindi kagaya mo ***** ka. “

May katotohanan ang kanilang mga argumento ngunit mahirap lang isipin na nagmula ang mga katagang ito sa mga kapwa ko Pinoy.  Sobrang nasaktan ako sa katotohanang kakaunti na lang pala kaming naniniwala na may pag-asa pa ang Pilipinas. Sobrang nasaktan ako sa katotohanang marami sa atin ang pagod ng maging Pinoy.

Ikaw pagod ka na bang maging Pinoy?

 (Ito ang link ng sinulid na aking tinutukoy(http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=570650), baka naman may nais tumulong sa akin, dahil hindi ko na talaga alam ang isasagot sa kanila. )

Comments
  1. Sa tingin ko, mas lalo lang nakaka-depress maging Pilipino kung masyado tayong nage-expect sa Pamahalaan natin na babaguhin nito ang buhay natin.

  2. Ako im proud to be pinoy. Pero nakakalungkot lang na marami sating mga dayuhang galit. I blogged about such topic and i was just really sad. Check this link http://ultramagnus.hubpages.com/hub/filipinamarrying

    And its really unbelievable. Nag comment din ako at ang haba ng thread so brace yourself.

  3. katz says:

    i;m proud to be pinoy!!!!! kc dito nagsimula ang buhay ko ay dito ako nagkamaly.🙂

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s