CYBERWAR: CH vs PH?

Posted: May 8, 2012 in Uncategorized
Tags: ,

Photo courtesy of University of the Philippines Website (www.up.edu.ph)

Alam niyo ba na may digmaang nagaganap ngayon sa pagitan ng Tsina at Pilipinas? At  alam niyo rin ba na ang digmaang ito ay hindi nagaganap malapit sa Panatag Shoal. Huli ka na sa balita kung hindi mo pa alam ang tungkol dito. Pero huwag ka muna agad mag-panic diyan. Dahil ang digmaang sinasabi ko ay nagaganap lamang sa world wide web. Sa mga hindi alam kung ano ang world wide web siguro naman alam ninyo kung ano ang internet ano? Tumpak! Iyon ang tinutukoy ko. Mukhang may cyberwar nga na nagaganap sa pagitan ng dalawang bansang ito.

Nagsimula ang diumanong cyberwar sa pagitan ng dalawang bansa ng ma-hacked ng hinihinalang Intsik na hacker/s ang website ng Unibersidad ng Pilipinas. Pinalitan nila ng mapa ng Timog Dagat Tsina ang unang pahina ng website na may mga katagang nagsasabing sila ay nanggaling sa Tsina at kanila ang Huangyan Island (Ito ang tawag nila sa Panatag Shoal. Whtever?).

May ilan pang website ng gobyerno ang diumano’y na-hacked pagkatapos ng insidente sa UP. Dahil dito may mga kababayan tayo, karaniwan ay estudyante ng UP ang napiliting gumanti sa pamamagitan ng pag-hacked din sa isang website na pag-aari ng Tsina.

Nawa’y matapos ng mapayapa ang gulo sa pagitan ng Tsina at Pilipinas. Nawa’y galangin ng bawat panig ang soberanya ng bawat bansa. Nawa’y huwag masira ang samahan ng dalawang bansang ito dahil lamang sa simpleng alitan sa teritoryo. Nawa’y magbigay ang dapat magbigay. Nawa’y magpaubaya ang dapat magpaubaya.

At dahil Filipino ako, syempre kampi ako sa Pilipinas. Kung susuriing maigi, Tsina naman talaga dapat ang magbigay at magpa-ubaya hindi ba? Haler? Ang laki na ng teritoryo nila at ang layo na masyado ng Tsina sa Panatag Shoal. Isa pa, hindi porke nasa Dagat Timog Tsina ito ay pag-aari na kaagad ito ng Tsina. Bakit lahat ba ng pulo sa Karagatang Indian ay inaangkin din ng India?

Comments
  1. krn says:

    Ang swapang ng Tsina. haha. Hindi lang dahil Pinoy ako pero dahil talagang mali sila.
    😉

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s