CHINA to the PH: Leave the Shoal!

Posted: May 7, 2012 in Uncategorized
Tags: ,

Minsang papauwi ako ng bahay galing sa trabaho, nagpanting talaga ang mga tenga ko ng mabasa ko ang headline na ito sa isang broadsheet: “CHINA to the PH: Leave the Shoal”.

Linteek! Ang kapal talaga ng mukha ng Tsina (May mukha ba ang isang bansa? Bahala na…). Halos isang kontinente na nga ang laki ng teritoryo nila ay pinag-iinteresan pa ang kakarampot na ipinagkaloob sa Pilipinas.

Inaapi daw ng Pilipinas ang Tsina. Nakakaloka! Kaya bang apihin ng isang maliit na langgam ang isang dambuhalang elepante? Napaka-imposibleng mangyari nito.

Bigla ko tuloy naisip na bilang ganti bakit hindi natin sipaing pabalik ng Tsina ang mga Intsik na naghahari-harian sa Divisoria (at iba pang parte ng bansa).  Mga Intsik na karaniwang hindi naman marunong magpapasahod ng tapat. Sa katunayan, karaniwan ng kanilang mga manggagawa ay pinapasahod ng hindi pa aabot sa minimum wage kapalit ng mahigit sa walong oras na pag-gawa.

Nakakalungkot isipin na maging sa sarili nating teritoryo, tayo pa rin ang mga alipin. Naisip ko rin na bakit hindi natin bitayin ang mga Intsik na drug lords katulad ng ginagawa nila sa ating mga kababayan. Aba! Sila lang ba ang may karapatang magpatupad ng batas?

Bumalik tayo sa usaping Scarborough Shoal na tinatawag ding Panatag Shoal sa ating wika. Ito ay pinag-aagawan ng iba’t ibang bansang nakapalibot dito dahil bukod sa sagana ito sa mga yamang-dagat, malaki din ang posibilidad na may mamiminang langis dito. Maaring ito na kaya ang hinihintay nating pag-asa?

Kung ikaw ang tatanungin, dapat pa ba nating ipaglaban ang ating karapatan dito o dapat bang isuko na lang natin ito?

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s