Bagong Status Symbol ng mga Pinoy: Braces, Havaianas at Starbucks

Posted: May 6, 2012 in Uncategorized
Tags: , , ,

Dito sa Pilipinas hindi lang magagara at mamahaling mga bagay ang ginagamit na “status symbol”. Ngunit ano nga ba ang ibig sabihin ng mga sa salitang ito? Sa aking pagkaka-alam, ang “status symbol”ay anumang mga bagay na maaaring makapagsabi kung ano ang estado mo sa buhay. Simpleng-simple lang hindi ba?

Napatunayan sa ating mayamang kasaysayan na nahahati na ang lipunang Filipino sa iba’t ibang uri bago pa dumating ang mga kastila. Ito ay ang alipin, timawa at maharlika. Ang pag-uuring ito ay nabago sa paglipas ng mahabang panahon. Dahil dito maging ang mga bagay na karaniwang sumisimbolo sa bawat antas ay nagbago din.

Sa katunayan, kung dati’y simpleng bahay, alahas at kotse ang karaniwang “status symbol” ng mga mararangyang Pinoy, ngayon ay hindi na. Maniniwala ba kayo kung sasabihin kong braces, havaianas at starbucks na ang bagong “status symbol” ngayon? Mas abot kaya ng mas nakararami, kaya’t hindi nakapagtataka na dumami din ang mga “social climber” ngayon.

Abangan ang aking mga artikulo tungkol sa tatlong bagong “status symbol” ng mga Pinoy ngayon.

Comments
  1. Anonymous says:

    harr to ulit. hindi kaya dala ito ng popculture at ng synthetic culture? and, ang tanong is, consumer ba silang maituturing or commodity din? hirap makita no? lalo na at napaka unparallel na ng set up ngayon. napaka posmo.😛

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s