Sabi ng ibang mga pantas sa ekonomiya at pulitika, wala naman daw talagang pagbabagong naidulot ang EDSA People Power, maliban ang palitan ang naghaharing uri. Ganun pa din ang sitwasyon ng Pilipinas at baka nga daw lumala pa, bunga ng mga desaparesidos, sunod-sunod na coup d’ etat, lalong pagbagsak ng piso sa pandaigdigang kalakalan at marami pang iba. Ikaw, sa palagay mo mayroon bang pagbabagong dinulot ang Lakas Sambayanan noong 1986 sa lipunang Pilipino?

Sa ganang akin, walang pagbabagong naidulot ang Lakas Sambayanan ng 1986 sa lipunang Pilipino.

Bagsak pa rin ang ating  ekonomiya.

 Laganap pa rin ang korapsyon.

 Naghihikaos pa rin ang masang Pilipino.

Bakit naging ganito ang kinahinatnan ng isang makasaysayang pangyayaring hinangaan at tinularan ng buong mundo?

Una, nagpalit lang tayo ng porma ng pamahalaan ngunit ang mga dating korap na pinuno pa rin ang nakaupo sa puwesto.

Pangalawa, hindi naman talagang naibigay sa karaniwang tao ang kapangyarihan. Ang mga dating crony na nagsamantala sa yaman ng bansa at mga dating pinuno na naging kasabwat ni Marcos ay naibalik din sa puwesto. Mga naghaharing uri pa rin ang inuna ng bagong pamahalaan.

Pangatlo, wala namang halos pinagkaiba ang mga programang ipinatupad ng Administrasyong Aquino. Mas ginugol pa niya ang kanyang panahon sa pag-aaya ng martsa para sa pagpapanatili ng mga base militar ng  Amerika kaysa tugunan ang mga kagyat na pangangailangan ng mamamaya.

Hindi ko maitatanggi na naibalik ang demokrasya dahil dito.Ipinagpapasalamat ko ito. Ngunit bukod sa pagbabalik ng demokrasya ay wala na akong maisip na iba pang magandang naidulot nito.  

Lubos akong nanghihinayang dahil hindi nagamit ng maayos ang pagkakataong ito. Isang pagkakataon na sana ito upang sama-sama nating pabulusukin paitaas ang ating bansa.  Ang pinakamasaklap pa nito, pagkatapos ng mahigit isang dekada ay naulit muli ang tanawing ito sa EDSA.

Kailan kaya tayo matututo? Ilang rebolusyon sa EDSA pa kaya ang ating hihintayin? Tayo lang ang makasasagot nito.

Comments
  1. Anonymous says:

    ang tanong eh kung rebolusyon ba talaga ang nangyari? Baka fiesta pwede pa, EDSA Fiesta. Hehe
    Powerplay nga naman oo.. ~ Har-lugelugs.😛

    • negrongIsko says:

      Rebolusyon pa ring maituturing ang nangyari sa EDSA ngunit hindi ito nagbunga ng maganda dahil mga burgis pa rin ang namuno sa ating bansa, hindi naman tunay na naibigay sa mamayan ang kapangyarihan.

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s