Pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas: Makatuwiran Ang Layunin Ngunit Hindi Ang Pamamaraan

Posted: Mayo 2, 2012 in Uncategorized
Mga kataga, , , , , ,

Makatuwiran sana ang layunin ng bansang Hapon na makapagtatag ng isang Asya na may kakayahan at kalayaang pang-ekonomiya na hiwalay sa mga taga-Kanluran ngunit hindi makatuwiran ang naging pamamaraan nila upang makamit ito.

Hindi makatuwiran na isang lahi lamang ang mamumuno upang makamit ang layuning ito. Sang-ayon ako na ang Asya ay para sa mga Asyano, ngunit ito ay hindi para sa mga Hapones.

Hindi rin makatuwiran ang paggamit nila ng karahasan upang makamit ito. Mas dinaig pa nila ang mga Kastila at Ameriakno pagdating dito na pinatunayan ng malagim na sinapit ng Tsina (Rape of Nanking) at Filipinas (Rape of Manila). Walang-awa nilang ginahasa ang mga kababaihan at walang pakundangnang pinaslang ang libo-libong sibilyan sa mga bansang nasakop nila. Hindi rin mabubura sa kasaysayan ang malagim na “Death March” kung saan libo-libong sundalong Amerikano at Filipino ang nasawi sa malupit nilang mga kamay.

Higit sa lahat, dapat ding banggitin na hindi naman naging tapat ang mga Hapones sa layuning ito. Sa bandang huli, napatunayan na simula pa lamang ay kabutihan lamang ng bansang Hapon ang kanilang inisip. Ginawa lamang nilang dahilan ang pagtatatag ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere upang maging legal ang kanilang lihim na agenda – ang maging isang imperyalistang bansa.

Advertisements
Mga Puna
  1. melaimagpantay ay nagsasabing:

    Hindi naman masamang maghangad ng kapangyarihan, lalo na noong ika-19 na dantaon kung kailan inangkin ng halos lahat ng mga bansa sa Kanluran ang mga bansa sa Silangan at sa Aprika. Unawain natin ang panig ng Hapon noong panahong iyon: sakop ng Pransya ang Indochina, ng Olandes ang Malaya, ng Amerika ang Pilipinas. Ang pagiging imperyalista ang kalakaran noong panahon na iyon.

    • negrongIsko ay nagsasabing:

      May punto ka, ngunit kailanman hindi magiging tama ang konseptong “imperialism”. Dahil ba uso ito noong mga panahong iyon ay tama na ito? 🙂

      • melaimagpantay ay nagsasabing:

        Depende. Kung isa akong mambabatas noong panahon iyon, sasabihin kong oo. Kung hindi ko palalakasin ang aking bansa sa pamamagitan ng pananakop, ang bansa ko ang masasakop at ayokong mangyari iyon.

        Ang sinasabi ko lamang, huwag nating husgahan ang nakaraan gamit ang konsepto ng tama at mali ng kasalukuyan.

        • negrongIsko ay nagsasabing:

          Salamat sa pagbibigay sa akin ng bagong pananaw. Subalit hindi pa rin ako sang-ayon sa dalumat na imperyalismo. Naniniwala ako na may mga bansa noong mga panahong iyon na piniling huwag manakop at huwag magpasakop. Nawa’y huwag natin makalimutan ang mga aral na natutuhan natin sa huling dalawang digmaang pandaigdig, dahil kung nagkataon, siguradong mauulit ang kasaysayan.

  2. Di-Nagpakilala ay nagsasabing:

    kelan naging makatwiran ang layunin ng Imperialism? – har

  3. MengsBorromeo ay nagsasabing:

    Hindi naman masamang maghangad ng kapangyarihan, lalo na noong ika-19 na dantaon kung kailan inangkin ng halos lahat ng mga bansa sa Kanluran ang mga bansa sa Silangan at sa Aprika. Unawain natin ang panig ng Hapon noong panahong iyon: sakop ng Pransya ang Indochina, ng Olandes ang Malaya, ng Amerika ang Pilipinas. Ang pagiging imperyalista ang kalakaran noong panahon na iyon.

    >>>>Mga Ingles ang nasa Malaya at Olandes naman po sa Silangang Indies.Walang buting naidulot ang Imperyalismo gayon din naman ang nakatatanda nitong kapatid na kolonyalismo.ANg pagsasamantala sa kahinaan ng iba upang maging makapangyarihan ay di kailanman magiging tama.Sa aking palagay lamang po.Salamat 🙂

  4. Di-Nagpakilala ay nagsasabing:

    salamat dahil dito sa site na ito… natulungan niyo ako gumawa ng project…..

  5. Di-Nagpakilala ay nagsasabing:

    Saan nagsimula ung pananakop ng hapon sa pilipinas at ung katapusan ng pananakop?

  6. Di-Nagpakilala ay nagsasabing:

    hindi

  7. Di-Nagpakilala ay nagsasabing:

    saan mu kinuha ang answer mu??????????????????????????????

  8. Di-Nagpakilala ay nagsasabing:

    maling mali ka !!!

  9. Di-Nagpakilala ay nagsasabing:

    bobo ka ata !

  10. Di-Nagpakilala ay nagsasabing:

    jwk lnq . heheheheheh tama ka pero meron lng kunting pagkakamali sa sinabi mo ha .

  11. Di-Nagpakilala ay nagsasabing:

    ddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddddd

  12. Di-Nagpakilala ay nagsasabing:

    ano ang mabuting epekto ng pananakop ng hapon sa pilipinas? assignment ko eh.

  13. Di-Nagpakilala ay nagsasabing:

    edi wow

  14. Di-Nagpakilala ay nagsasabing:

    BOBO

  15. Di-Nagpakilala ay nagsasabing:

    pakshit ang gumawa nito

  16. Di-Nagpakilala ay nagsasabing:

    gago talaga ang gumawa nito hahahahahaha… pakshit..boom boom…boom.. sana kung magpost kau dito sa internet yun namang makatotohanan oh may kabulohan oh tugma sa sinasabi nyo!!!

  17. arjane ay nagsasabing:

    ano po bang impluwensya ng hapon sa pilipinas

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s