Noong Enero 30, 1970, apat na araw pagkatapos itaboy ng Constabularya at mga riot policeman ang mga raliyista sa Kongreso, ang mga demonstrador — mga militanteng estudyante, mga magsasaka, at manggagawa — ay tumulak patungong Malacañang upang hilingin ang isang non-partisan Constitutional Convention at ang hindi na pagtakbo pa muli si G. Marcos sa ikatlong pagkakatao.Pagkatapos ng usapan, nilusob ng mga tropang military na naka damit pang-riot ang mga estudyante, na gumanti naman sa pamamagitan ng mga bato at Molotov bombs. Napigilan lamang ng mga pulis at military ang mga “mob” nang ilan sa mga estudyante ay nasugatan, inaresto at namatay. Ang labanang ito ay tatawaging “Battle sa Mendiola.” Sa miting de avance ng Partidong Liberal sa Plaza Miranda noong Agosto 21, 1971, nagkaroon ng paghagis ng granada. Siyam ang namatay at 95 ang sugatan. Ito ang kaganapang tinawag nating “Plaza Miranda Bombing.”

 

Para sa akin, kahit hindi nangyari ang mga kaguluhang ito idedeklara pa rin ni Marcos ang Batas Militar. Bakit? 

Una sa lahat, nasa  UP  pa lamang siya ay tungkol na sa “Athoritharian Democracy” ang naging thesis niya. Ibig sabihin, nasa kolehiyo pa lang si Marcos ay naglalaro na sa isipan niya ang konsepto ng Batas Militar.

Pangalawa, napatunayan na ilan sa mga kaguluhan ay pakana lamang ni Marcos. Isang halimbawa nito ay ang pag-ambush umano kay Juan Ponce Enrile. Ito ay palabas lamang ni Marcos ayon na mismo kay Enrile. “Make it(Martial Law) look good” ang bilin pa umano sa kanya ni Marcos bago nila gawin ang palabas.

At pangatlo, matatandaan na Setyembre 23, 1971 na ng iproklama ni Marcos ang Batas Militar. Sino ba ang makakalimot sa kanyang naging talumpati sa telebisyon noong araw na iyon? Ito ay nakatatak na sa isipan ng bawat Filipino. Maging sa amin na hindi na inabutan ito (ngunit napanood na lamang sa mga documentaries).   Ngunit dalawang araw pala bago ito iproklama ay napirmahan na ito ni Marcos – Setyembre 21. Nangyari ang pag-ambush kay Enrile isang araw bago iproklama ito – Setyembre 22. Ibig sabihin, hindi pa nangyayari ang “ambush” ay plantsado na ang pagdeklara ng Batas Militar. Ginamit na lamang ang “ambush” upang magmukhang legal ito.

Dahil sa mga ito, ako ay naniniwala na idekdeklara at idedeklara pa rin ni Marcos ang Batas Militar kahit ano pa ang mangyari. Malakas ang kanyang loob, lalo pa’t may basbas naman siya ni Uncle Sam – ang Estados Unidos. Hindi maikakaila na lutong makoy ang Batas Militar!

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s