HIMAGSIKAN: Isang Epidemyang Bayan

Posted: May 2, 2012 in Uncategorized
Tags: , , , ,

Talaga bang pambansa ang Himagsikang kinaharap ng mga Kolonyalistang Kastila at Amerikano? O ilang lalawigan lamang sa Pilipinas ang kasapi?

Para sa akin, pambansa ang Himagsikang kinaharap ng mga Kolonyalistang Kastila at Amerikano dahil sa tatlong kadahilanan.

Una, nasaklaw ng himagsikan ang buong kapuluang Filipinas – may pagkilos na naganap mula Luzon, Visayas, at Mindanao. May mga pagkilos din na hindi naitala.

Pangalawa, nakisangkot ang lahat ng uri ng tao sa lipunan, mahirap man at mayaman ay may ginampanang papel sa himagsikan. Kristiano man o Muslim, maging mga Igorot at tulisan ay nakiisa sa mga pagkilos. Maging mga lalawigan na hindi naming tuwirang nakaranas ng mga pagmamalupit ay nakiisa bilang pakikisimpatiya sa kanilang mga kababayan.

Pangatlo, hiindi man sabay-sabay ang kanilang mga naging pagkilos, hindi man iisa ang naging kahulugan ng kalayaan para sa kanila at magkaka-iba man sila ng paraang ginamit upang isulong ito, masasabi namang pinagbuklod sila ng iisang layunin. Ito ay ang layuning wakasan ang hindi makatuwirang paghahari ng mga dayuhan.

Mahalaga ring banggitin na naging matagumpay ang Himagsikan laban sa mga mapang-aping Kastila, at ipinagpatuloy ito ng mga tunay at tapat na Katipunero hanggang sa pagdating ng mga mapanlinlang na mga Amerikano.

Sa maikling sabi, ang Himagsikan ay parang isang epidemyang mabilis na kumalat sa buong kapuluan na nilahukan ng mayorya ng mga Filipino sa kabila ng kanilang mga pagkakaiba-iba. Ang makamit ang “tunay na kalayaan” para kanilang minamahal na bansang Filipinas ang tanging lunas sa epidemyang ito.

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s