Epekto ng Imperyalistang Amerikano: Isang Pagsusuri

Posted: May 2, 2012 in Uncategorized
Tags: , , , , , , , ,

Matapos ang aking masusing pagsusuri (naks naman!), masasabi kong ako ay sumasang-ayon na ang kolonisasyon ng mga Amerikano ang nagpunla ng mga suliraning pangsocio-ekonomiko at krisis pampulitika na kinaharap ng Pilipinas noong dekada 70’s at 80’s.

Hayaan ninyong magbigay ako ng apat na konkretong halimbawa na magbibigay katuwiran sa aking naging posisyon.

Una, napabayaan ang Mindanao noong panahon ng mga Amerikano na naging dahilan upang maitatag ang Moro National Liberation Front (MNLF) noong 1972 na naglalayong ihiwalay ang Muslim Mindanao sa Filipinas.

Pangalawa, higit na lumaki ang agwat ng mga mayayaman at mahihirap bunga ng Malayang Kalakalan (Free Trade) na ipinakilala ng mga Amerikano na nagbunsod naman upang maitatag ang mga komunistang grupo tulad ng Partido Komunista ng Pilipinas (CPP) at Bagong Hukbong Bayan (NPA) bago pumasok ang dekada 70.

Pangatlo, hindi rin naipamahagi sa mga magsasaka ang mga lupain ng mga Fraile dahil ipinagbili din ito ng mga Amerikano sa mga mayayamang Filipino. Sa madaling sabi, nabigo rin ang mga mga Amerikano na tuldukan ang walang katapusang problema sa lupa na nagbunsod upang maitatag naman ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas. Labing tatlo sa mga kasapi nito ang binaril at namatay sa tinaguriang “Mendiola Massacre” noong 1987.

Pang-apat, ang pananakop ng mga Amerikano ang tuluyang kumitil sa kamalayang Filipino. Dito na tayo nagsimulang mahumaling sa mga produktong gawang stateside, dito na tayong nagsimulang maniwala na basta gawang Filipino ay ‘pangit’ at kapag gawang banyaga ay ‘de-kalidad’, at dito na rin tayo nagsimulang mangarap na lisanin ang Filipinas. Ang naging resulta nito ay ang tinatawag nating “Brain Drain” na nagsimula noong kasagsagan ng Martial Law (1972) at kinakaharap pa rin natin hanggan ngayon kung saan libo-libong propesyunal na Filipino ang piniling manirahan na lamang sa Amerika (at iba pang bansa sa ngayon).

Comments
  1. Anonymous says:

    MALI. Itinatag ang MNLF bilang tugon sa karumal-dumal na pagpaslang ng mga sundalo sa mahigit 20 Tausug sa tinaguriang Jabidah massacre.

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s